^

PM Sports

Dona Leoncia rarampa sa 3YO Maiden race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Rarampa sa pista ang Dona Leoncia para harapin ang anim na tigasing kabayo sa magaganap na 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas ngayong araw.

Gagabayan ni jockey RM Delos Santos, makakatagisan ng bilis ng Dona Leoncia ang Naughty Angel, Sting, Tanging Ikaw, Dancing Queen, Front Runner at Heart Of Steel.

May distansyang 1,200 meter race, hahamigin ng winning horse owner ang added prize na P22,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Posibleng magpakitang gilas din ang mga kalahok na Heart Of Steel, Dancing Queen at Front Runner ayon sa komento ng mga karerista sa social media.

Kukubra naman ang breeder ng mananalong kabayo ng P4,500 habang P1,000 at P500 ang second at third, ayon sa pagkakasunod.

May siyam na races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya paniguradong maligalig na naman ang mga karerista sa kanilang paglilibang.

Samantala, hinangaan ng mga karerista ang ipina­kitang husay ng Boss Lady nang manalo ito sa 2024 PHILRACOM 3-Year-Old & Above Maiden Race noong Linggo.

Nilista ng Boss Lady ang tiyempong 1:27.2 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si JM Arroyo ang P22,000 premyo.

vuukle comment

METRO TURF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with