^

PM Sports

Sotto inilabas ang bangis

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Sotto inilabas ang bangis
Ang dakdak ni Gilas Pilipinas center Kai Sotto laban sa Hong Kong sa FIBA Asia Cup Qualifiers.
FIBA.com

MANILA, Philippines — Hindi pa masaya si Kai Sotto sa ipinamalas na per­formance para sa Gilas Pilipinas sa unang salang sa FI­BA Asia Cup 2025 Qualifiers kamakalawa ng gabi kontra sa Hong Kong sa Tsuen Wan Stadium.

Starter kaagad ang 7-foot-3 center para kay coach Tim Cone at hindi niya ito binigo sa paghakot ng 13 points at 15 rebounds tampok ang mga dakdak patungo sa 94-64 tagumpay ng Nationals at kanyang pagbabalik simula noong 2023 FIBA World Cup.

“I think iyon ang expected sa akin na i-produce ko, so iyon ang nangyari. Happy na nanalo pero sabi nga ni coach Tim, this game is more of a test for us,” wika ng 21-anyos na big man na sinolo ang frontline ng Gilas dahil sa injury nina June Mar Fajardo at AJ Edu.

“Kahit naman nandoon sila, kahit wala sila, same pa rin iyong mentality ko, to just work hard pagdating sa court. Ibibigay ko iyong lahat ng makakaya ko. Start ako sa defense and rebounding,” ani Sotto.

Huling pumarada si Sotto para sa Gilas noong FI­BA World Cup tampok ang maalat na 6.0 points at 4.0 rebounds dahil sa iniindang back injury noon.

Ngayong healthy na ulit ang pambatong sentro ng Pinas ay ipapakita niya ang kanyang bangis kontra sa Chinese Taipei bukas sa Philsports Arena sa Pasig City.

“Mas challenging iyong Taiwan so I think this game will really help us pagdating sa next game. Pag­hahandaan pa namin more pagdating sa Pilipinas. Ex­cited ako na makalaban iyong Taiwan, they’re a better team. Looking forward to it,” ani Sotto.

Bukod sa Chinese Taipei at Hong Kong, kasama rin ng Gilas sa Group B ang New Zealand na sa susunod na window na nila makakaharap.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with