^

PM Sports

Embiid-less 76ers dinagit ng Hawks

Pang-masa

PHILADELPHIA - Nagpaputok si Trae Young ng 37 points para banderahan ang Atlanta Hawks sa 127-121 pagpapatumba sa Joel Embiid-less 76ers.

Nagdagdag si Onyeke Okongwu ng 21 points at tumipa si Saddiq Bey ng 16 points at 11 rebounds para pigilin ng Atlanta (23-29) ang kanilang two-game losing skid.

Humataw si Kelly O­ubre Jr. ng 28 points at may 21 markers si Tobias Harris sa panig ng Philadelphia (30-21) na naipatalo ang walo sa huli nilang siyam na laro kung saan hindi naglaro si Embiid dahil sa meniscus tear.

Bukod kay Embiid, hindi rin naglaro sina All-Star guard Tyrese Maxey (illness), starting forward Nic Batum (left hamstring strain), guard De’Anthony Melton (lumbar spine stress relief) at guard Ro­bert Covington (left knee bone bruise).

Umiskor ang Hawks ng 73 points sa first half at nagtayo ng 17-point halftime lead bago ito naputol ng 76ers sa four-point deficit sa dulo ng fourth period.

Sa Toronto, kumana si Immanuel Quickley ng 25 points habang may 21 markers si RJ Barrett sa 107-104 paglusot ng Raptors (19-33) sa Houston Rockets (23-28).

Sa Boston, nagposte si Jayson Tatum ng 35 points para igiya ang NBA-lea-ding Celtics (40-12) sa 133-129 pagtakas sa Wa­shington Wizards (9-42).

vuukle comment

ATLANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with