Clippers pinalamig ang Heat; Wolves pinasabog ang Rockets
MIAMI — Humakot si Kawhi Leonard ng 25 points at 11 rebounds, habang iniskor ni James Harden ang 16 sa kanyang 21 points sa second half sa 103-95 panalo ng Los Angeles Clippers sa Heat.
Ipinoste ng Los Angeles (33-15) ang 5-1 record sa kanilang seven-game, 11-day trip na magtatapos ngayon sa Atlanta.
Nagdagdag si Harden ng 11 assists at 8 assists at may 16 at 11 markers sina Norman Powell at Paul George, ayon sa pagkakasunod.
Umiskor si Jimmy Butler ng 21 points sa panig ng Miami (26-24) na nakahugot kay Terry Rozier ng 17 markers kasunod ang tig-14 points nina Bam Adebayo at Josh Richardson.
Humataw ang Clippers ng 60 points sa second half at nnilimitahan ang Heat sa 52 markers.
Sa Minneapolis, kumamada si Anthony Edwards ng 32 points para sa 111-90 pagsagpang ng Minnesota Timberwolves (35-15) sa Houston Rockets (23-26).
Kumalawit si center Rudy Gobert ng 17 points, 13 rebounds at 4 blocks para sa Timberwolves, habang humakot si Karl-Anthony Towns ng 14 markers.
Sa Denver, naglista si Nikola Jokic ng 29 points at may 21 markers si Jamal Murray sa 112-103 panalo ng nagdedepensang Nuggets (35-16) kontra sa Portland Trail Blazers (15-35).
Sa Salt Lake City, kumana si Lauri Markkanen ng 21 points sa 123-108 paggupo ng Utah Jazz (25-26) sa Milwaukee Bucks (33-17).
Sa Boston, bumomba si Jayson Tatum ng 34 points sa 131-91 pagbugbog ng NBA-leading Celtics (38-12) sa Memphis Grizzlies (18-32).
- Latest