^

PM Sports

2nd win tinusok ng Cavaliers

Pang-masa
2nd win tinusok ng Cavaliers
Lumipad si Isaac Okoro ng Cleveland Cavaliers para sa kanyang dunk kontra sa Brooklyn Nets

NEW YORK — Umiskor si Evan Mobley ng 21 points habang may 19 markers si Caris LeVert para banderahan ang Cleveland Cavaliers sa 130-101 paggupo sa Brooklyn Nets.

Naglista si Donovan Mitchell ng 18 points at 5 assists at may 17 markers si Georges Niang para sa ikalawang sunod na ratsada ng Cavaliers (23-4).

Pinamunuan ni Ca­meron Johnson ang Nets (10-16) sa kanyang 22 points at nag-ambag si Day’Ron Sharpe ng 15 points at 7 rebounds.

Binuksan ng Brooklyn ang laro sa 7-0, ngunit naghulog ang Cleveland ng isang 32-5 bomba para tapusin ang first quarter bitbit ang 20-point lead na pinalobo pa nila sa second half patungo sa panalo.

Sa Inglewood, California, tumipa si James Harden ng 41 points para tulungan ang Los Angeles Clippers (15-12) sa 144-107 pagmasaker sa Utah Jazz (5-20).

Sa Sacramento, ipinasok ni Jamal Murray ang isang 16-foot jumper sa huling 8.6 segundo para sa 130-129 pagtakas ng Denver Nuggets (14-10) sa Kings (13-14).

Sa Detroit, nagsalpak si Tim Hardaway Jr. ng tatlong 3-pointers sa overtime sa 125-124 pag-eskapo ng Pistons (11-16) sa Miami Heat (13-11).

Sa Toronto, nagposte si Nikola Vucevic ng 24 points habang may 19 markers si Coby White sa 122-121 paglusot ng Chicago Bulls (12-15) sa Raptors (7-20).

Sa Charlotte, nagpa­putok si Tyrese Maxey ng 40 points at nagdagdag ng 33 markers si Paul George para igiya ang Philadelphia 76ers (8-16) sa 121-108 paggupo sa Hornets (7-19).

Nagtala si Kelly O­ubre Jr. ng 19 points habang humablot si ve­teran center Andre Drummond, sumalo sa naiwang trabaho ni injured Joel Embiid, ng 15 rebounds para sa 76ers.

CLEVELAND CAVALIERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with