Pinoy athletes handa na sa Asian Para Games
MANILA, Philippines — Handa na ang national para athletes na magpapasiklab sa 4th Asian Para Games na magsisimula sa linggo sa Hangzhou, China
Humiling si Philippine Paralympic Committee President Mike Barredo ng suporta sa mga kababayan nito para mas lalong ganahan ang mga para athletes na makasungkit ng medalya sa quadrennial meet.
“Our national para athletes have worked just as hard, if not harder, to compete in the Asian Para Games so I pray that our compatriots give them their all-out support as they gave our national athletes,” ani Barredo.
Umalis na ang unang bugso ng pambansang delegasyon na sasabak sa Hangzhou — ang parehong venue ng 19th Asian Games.
Una nang umalis sina Chef de Mission at former national swimming standout Ral Rosario kasama sina deputies Millette Bonoan at Irene Soriano-Remo para maihanda ang mga gagamitin ng delegasyon sa Hangzhou.
Optimistiko si Barredo sa laban ng Pinoy athletes sa edisyong ito ng torneo.
Maningning ang kampanya ng Pilipinas noong 2018 Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia kung saan humakot ng 10 ginto, walong pilak at 11 tanso ang tropa.
- Latest