^

PM Sports

Lady Pirates binomba ng Chiefs

Chris Co - Pang-masa
Lady Pirates binomba ng Chiefs
Kumuha ng lakas ang Lady Chiefs kay Laika Tudlasan na nagpasabog ng 19 puntos mula sa 17 attacks at dalawang aces para dalhin ang kanilang tropa sa ikalawang panalo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Napatumba ng Arellano University ang Lyceum of the Philippines University sa pamamagitan ng 25-22, 17-25, 25-21, 25-17 panalo kahapon sa 2023 Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-Season Championship Season 2 sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.

Kumuha ng lakas ang Lady Chiefs kay Laika Tudlasan na nagpasabog ng 19 puntos mula sa 17 attacks at dalawang aces para dalhin ang kanilang tropa sa ikalawang panalo.

Tinapos ng Arellano ang eliminasyon tangan ang 2-1 rekord sa Pool B. Una nang tinalo ng Lady Chiefs ang San Beda University sa iskor na 25-16, 25-21, 25-21.

Lumasap lamang ng kabiguan ang Lady Chiefs sa Adamson University sa kanilang ikalawang laro sa iskor na 19-25, 17-25, 22-25.

Importante ang panalong ito para sa Lady Chiefs upang mapatatag ang pag-asa nitong maka-usad sa second round.

Nakakuha si Tudlasan ng solidong suporta mula kay Marianne Padillion na kumana ng 14 puntos.

“Sobrang halaga po ng laban namin na ito kasi kung natalo kami, baka mawalan po kami ng chance sa Top 2. Nanalo po kami at ngayon may pag-asang makapasok sa Top 2 at ma-extend pa ang laban namin sa Shakey’s,” ani Paralejas.

Sunod na makakasagupa ng Lyceum ang A­damson ngayon.

vuukle comment

SHAKEY’S SUPER LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with