^

PM Sports

Gilas doble-kayod sa praktis para sa Asiad

Chris Co - Pang-masa
Gilas doble-kayod sa praktis para sa Asiad
LA Tenorio.
STAR / File

MANILA, Philippines — Gahol na sa oras ang Gilas Pilipinas sa preparas­yon nito para sa 2023 Asian Games na aarangkada sa Setyembre 23 sa Hangzhou, China.

Ayon kay Gilas Pilipinas assistant coach LA Tenorio, isa sa panguna­hing problema ang kakulangan sa ensayo.

Kaya naman doble ka­yod na ang coaching staff upang mapunan ang anumang pagkukulang sa team dahil mahigit isang linggo na lamang ang nala­labi bago ang Asian Games.

“The biggest challenge, No. 1 is the lack of time to prepare, but we, the c­oaching staff, are doing our best for the preparation since we only have less than two weeks to prepare the team. That’s our job as coaching staff,” ani Tenorio.

Masaya si Tenorio sa mga napiling players ng coaching staff dahil handa ang mga ito na magsakripis­yo at ibuhos ang lahat para sa bansa.

Kagandahan pa nito dahil ilan sa miyembro ng Gilas ay galing sa kampan­ya sa FIBA World Cup kaya’t nasa perpektong kundisyon ang mga ito.

“Good thing is we have a team that’s very committed, willing to sacrifice, no matter the situation,” ani Tenorio.

Alam ni Tenorio na mapapalaban ng husto ang Gilas Pilipinas sa Asian Games dahil makakasama nito sa grupo ang FIBA World Cup veteran team na Jordan kasama ang Southeast Asian Games rival Thailand at Bahrain.

Unang makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang Bahrain sa Setyembre 26 kasunod ang Thailand sa Setyembre 28 at ang Jordan sa Setyembre 30.

Ang mangungunang koponan sa bawat grupo ay awtomatikong papasok sa quarterfinals habang ang No. 2 at No. 3 ay maglalaro sa second round para sa huling mga tiket sa knockout stage.

Pamumunuan ang Jordan ni naturalized player Rondae Hollis-Jefferson na 2022-23 PBA Governors’ Cup Best Import.

Naglaro si Hollis-Jefferson kasama ang Jordan sa 2023 FIBA World Cup kung saan nagtala ito ng averages na 23.6 points, 7.8 rebounds at 4.4 assists.

“We know how good Jordan is, though we know what RHJ can do, plus they have one big naturalized or import as well. So it’s gonna be a very tough challenge and matchup for sure,” ani Tenorio.

GAHOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with