^

PM Sports

Abando thankful sa oportunidad

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang iba kundi pasasalamat ang masasabi ni Rhenz Abando na patuloy na bumubuhos ang biyaya sa kanyang basketball career.

Nangunguna na ang pinakamalaking karangalan na maging bahagi ng Gilas Pilipinas sa prestihiyosong FIBA World Cup na ginanap sa bansa.

Kaya naman walang humpay ang pasasalamat nito sa mga nagtiwala sa kanyang kakayahan at sa lahat ng sumuporta hindi lamang sa kanya kundi sa maging buong Gilas Pilipinas.

“Mabuhay ka mahal kong Pilipinas,” panimula ni Abando sa kanyang post sa social media.

Tinukoy ni Abando na inspirasyon ang mga supporters nito sa bawat laban na hinarap ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup.

Hindi maikakaila na isa si Abando sa mga may magandang ipinamalas na laro ng Gilas Pilipinas.

Partikular na ang ma­gandang performance ni Abando sa laban ng Gilas Pilipinas at China sa Smart Araneta Coliseum.

Isa si Abando sa mga nakatuwang ni NBA star Jordan Clarkson para makuha ng Pilipinas ang unang panalo laban sa China.

“Maraming salamat sa lahat ng sumuporta at nagtiwala, nagsilbi kayong ins- pirasyon at lakas sa bawat laban na ating hinarap,” ani Abando.  

vuukle comment

RHENZ ABANDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with