^

PM Sports

Hataw si Caloy!

Chris Co - Pang-masa
Hataw si Caloy!

Kumuha ng gold sa vault at parallel bars

MANILA, Philippines — Hindi maawat si Southeast Asian Games multi-gold medalist Carlos Edriel Yulo nang sumikwat pa ito ng dalawang ginto sa Senior Artistic Gymnastics Asian Championships na ginanap sa OCBC Hall sa Singapore.

Kumana ang Tokyo Olympic veteran ng gintong medalya sa men’s floor exercise noong Sa­bado at pilak sa men’s all-around event noong Biyernes.

Ngunit hindi pa kuntento si Yulo.

Muli nitong inilatag ang kanyang tikas matapos pagharian ang men’s vault sa pamamagitan ng nakolektang 14.299 puntos.

Pinataob ni Yulo si Abdulaziz Mirvaliev ng Uzbekistan na nagrehistro ng 14.083 puntos para magkasya sa pilak at Kim Jae Ho  ng South Korea na may 13.766 para kubrahin ang tanso.

Ilan sandali lamang ay hataw naman si Yulo sa men’s parallel bars kung saan naisumite nito ang 15.266 puntos upang angkinin ang gintong medalya.

Naungusan ni Yulo sina silver medalist Shinnosuke ng Japan na may 15.133 at bronze winner Yin De Hang ng China na may 15.100.

Nagkasya naman sa tansong medalya si Yulo sa men’s horizontal bars bitbit ang 14.033 puntos.

Sa kabuuan ay may tatlong ginto, isang pilak at isang tansong medalya si Yulo sa naturang Asian meet.

Nag-ambag ng pilak si Emma Lauren Malabuyo sa women’s floor exercise.

SOUTHEAST ASIAN GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with