^

PM Sports

SLP- Philippine Team sumisid ng 10 medalya sa Hong Kong meet

Pang-masa
SLP- Philippine Team sumisid ng 10 medalya sa Hong Kong meet
Ang South Warriors Team kasama si head coach Marlon Dula na nagpasiklab sa katatapos lamang na Hong Kong Stingrays Summer Sizzler Invitationals.

MANILA, Philippines — Lumangoy ang Swimming League Philippines (SLP)-Philippine Team ng 10 medalya kasama ang apat na ginto sa Hong Kong Stingrays Summer Sizzler Invitational Swimming championship sa HongKong Olympic Swimming pool.

Ang tatlong ginto ay nag­mula sa 12-anyos na si Richard Nielson Navo ng Cavite SeaBeast Swimming Team.

Nagdomina si Navo sa boy’s 15-under class 50m backstroke sa bilis na 31.73 segundo gayundin sa 100m breaststroke (1:19.83) at sa 50m freestyle (27.75) para pamu­nu­an ang koponan na bi­nuo mula sa serye ng mga torneo ng SLP sa pagta­taguyod ng Ang Lechon Ma­nok ni Sr.Pedro, Mary Grace Café, Lorins Patis, Lorenzana Corporation, Blueresca Angels at MFV Architectural Design and Services

“Masayang-masaya ka­mi dahil sa ipinakitang determinasyon ng ating mga batang swimmers,” ani team delegation head at coach Marlon Dula.

Nagdagdag si Raina Sa­mantha Leyran, ang 2023 Pala­rong Pambansa qualifier, ng gold sa girl’s 13&over15-under 50m butterfly sa bilis na 30.04 segundo.

May tanso rin si Leyran sa 50m backstroke at sa 200m medley relay.

Nag-ambag si Kendra Beatrice Larrobis ng Ca­vite SeaBeast Swimmimg Team naman ng silver sa girl’s 14-over 50m butterfly.

Humirit ng bronze si Han­nah Magale sa girl’s 14 yrs-old 50m breaststroke para idagdag sa kanyang silver sa 200m medley relay.

Dalawang bronze ang ambag ni Elijah Ebayan mula sa boy’s 14 yrs-old 50m butterfly at 50m backstroke at kumana si Marc Bryan Dula ng bronze sa boy’s 16 yrs-old 200m mixed medley relay, habang may bronze si Feriz Gabriel Espano sa 15 yrs-old 50m backstroke.

SLP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with