Poole sinapawan si Morant
SAN FRANCISCO, Philippines — Humataw si Jordan Poole ng 32 points para sapawan si Ja Morant sa 123-109 demolisyon ng nagdedepensang Golden State Warriors sa Memphis Grizzlies sa rematch ng Western Conference semifinals.
Nag-ambag si Klay Thompson ng 24 points habang may 19 at 14 markers sina Donte DiVincenzo at Ty Jerome, ayon sa pagkakasunod, para sa ika-10 sunod na Christmas game ng Warriors.
Itinaas ng Golden State ang kanilang record sa 16-18.
Umiskor si Morant ng 36 points para sa Memphis (20-12) at itinampok ang kanyang unang Nike signature “Ja 1” shoe.
Hindi natapos ni Poole ang laro matapos masibak sa 9:20 minuto ng fourth quarter, ngunit nanatili sa kanilang porma ang Warriors para talunin ang Grizzlies.
Sa Boston, nagpasabog si Jayson Tatum ng 41 markers at iniskor ni Jaylen Brown ang 13 sa kanyang 29 points sa fourth period sa 139-118 paggupo ng Celtics (24-10) sa Milwaukee Bucks (22-11).
Sa Dallas, tumipa si Luka Doncic ng 32 points habang humugot si Tim Hardaway Jr. ng 16 sa kanyang 26 points sa third quarter para sa 124-115 pagdaig ng Mavericks (18-16) sa Los Angeles Lakers (13-20).
Sa Denver, nagposte si Nikola Jokic ng triple-double na 41 points, 15 rebounds at 15 assists sa 128-125 overtime win ng Nuggets (20-11) sa Phoenix Suns (19-14).
Sa New York, kumolekta si James Harden ng 29 points, 13 assists at 4 steals sa 119-112 paggiba ng Philadelphia 76ers (20-12) sa Knicks (18-16).
- Latest