^

PM Sports

Pintakasi International Challenge sa Pebrero 2023

Pang-masa

MANILA, Philippines — Hahataw ang bigating 1st Roligon Pintakasi International Challenge sa Pebrero ng 2023 sa Roligon Mega Cockpit Arena sa Paranaque City.

Inihahandog nina Ro­­lando ‘Ka Lando’ S. Luzong at Nick Crisostomo, ang 12-cock Internatio­nal Gamefowl Breeders Derby (The Bloodline Challenge) ay nakatakda sa Pebrero 18 para sa isang 3-cock Group A eli­minations.

Susundan ito ng mga eliminasyon sa Group B at C sa Pebrero 20 at 21.

Sasalang naman ang 4-cock semifinals sa Peb­rero 22 (Group A), Peb­rero 23 (B) at Pebrero 24 (C) sa event na inihahandog rin ng Thunderbird.

Ang unang 40 entries na may 4, 4.5 o 5 points ay magsasagupa para sa 5-cock pre-finals sa Peb­rero 25, habang ang iba pang mga entries na may katulad na naipong puntos ay magtatapat sa Pebrero 27.

Lahat ng entries na may 5.5, 6, 6.5 at 7 points pagkatapos ng pre-finals ay maglalaban sa 5-cock finals para sa kampeonato kung saan isang Galo Meliton trophy – bilang pa­rangal sa yumaong Sabong Magazine publi­sher at kilalang ‘Ama ng Sa­bong Derby’ sa bansa – ang ipagkakaloob.

Ang pangalan ng Pin­­takasi Champion ay iu­ukit rin sa isang Perpe­tual Trophy na permanen­teng ilalagay sa lobby ng Roligon Mega Arena.

COCKPIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with