^

PM Sports

Abando out na sa Gilas

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naudlot ang muling paglalaro ni Rhenz Abando sa Gilas Pilipinas na hahataw sa fifth window sa FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Malaysia.

Malungkot na balita ang bumungad dahil nagtamo ng injury si Abando habang naglalaro ito sa laban ng Anyang kontra KCC Egis sa Korean Basketball League (KBL) noong Huwebes.

Dahil dito, hindi na muna makalalaro pa si Abando para sa Gilas dahil kailangan pa nitong ma­karekober mula sa naturang injury.

Ilang araw na lamang ang nalalabi bago sumalang ang Gilas sa FIBA World Cup Asian Qualifiers kung saan unang makakasagupa ng Pinoy cagers ang Syria sa Nobyembre 27.

Papalitan ni Troy Rosario ang nabakanteng puwesto ni Abando.

Nanghihinayang si Gilas head coach Tim Cone sa pagkawala ni Abando na ngayon lang ulit maglalaro sa Nationals matapos ang mahabang panahon.

Huling naglaro si Abando para sa Gilas noon pang 2023 FIBA World Cup na ginanap sa Maynila kung saan si Chot Reyes pa ang head coach ng tropa.

 Sa kabila ng pagkawala ng ilang players, nananati­ling malakas ang Gilas Pilipinas lalo pa’t maglalaro na si naturalized player Bennie Boatwright.

Nakatakdang umalis ngayong araw ang Gilas patungong Malaysia upang doon na ipagpatuloy ang paghahanda nito para sa qualifiers.

GILAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with