^

PM Sports

Cone nabigla sa pagpanaw ni Simon

Chris Co - Pang-masa
Cone nabigla sa pagpanaw ni Simon
Pe­ter June Simon

MANILA, Philippines — Nagluluksa ang basketball community sa biglaang pagpanaw ni PBA legend Pe­ter June Simon.

Ilan sa mga malalapit na kaibigang players at coa­ches ang nagbigay ng tri­bute para kay Simon.

Isa na rito si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na nagulantang nang malaman ang hindi magandang balita.

“Oh PJ, you left us way too soon. Showed us that you can come from anywhere and become a star with hard work and per­severance,” ani Cone sa kaniyang post sa social me­dia.

Hinawakan na ni Cone si Simon noong naglalaro pa ito para sa B-Meg/San Mig Coffee na ngayon ay kilala na sa tawag na Mag­nolia Hotshots.

Dahil head coach si Cone ng naturang team sa lo­ob ng limang taon.

Sinariwa ni Cone ang magagandang alaala ni Simon noong nasa team pa ito.

“What a humble man he was. What a great teammate. We will miss you on and off the court. So sad. Devastating,” ani Cone.

Nakasama ni Simon sina James Yap at Marc Pingris.

Nagbigay din ng tribute ang Magnolia Chicken Timplados gayundin sina Yap at Pingris.

 

PE­TER JUNE SIMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with