^

PM Sports

Alcantara field

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

“If you build it, they will come.”

Sumikat ang linyang ito mula sa 1989 sports fantasy movie na “Field of Dreams” na pinagbidahan ni Kevin Costner. Nakarinig siya ng tinig na naghihikayat na magtayo siya ng baseball diamond sa kanyang cornfield, at dito uminog ang story ng Academy Awards-nominated film na ito.

Pumapasok sa isip ko ang movie tuwing mag-a-announce si Valenzuela District II Congressman Eric Martinez  nang inauguration ng kanyang mga dekalidad  na sports facilities sa kung saan-saang barangay na kanyang nasasakupan.

Latest ang mini-football field sa loob ng Marulas Central School na kanyang pinangalanang Alcantara Football Field – pagpupugay sa pangalan at karangalan ni Filipino football legend Paulino Alcantara.

Pangalawa itong football field na kasama na ngayon sa mga wooden basketball courts na kanyang prino­yekto sa hangaring dalhin ang Valenzuela youth sa sports at healthy, active lifestyle, sa halip na pumasok sa kalokohan.

Usually,  makakakita ka lamang ng football field sa mga mayayamang private schools, gaya ng Ate­neo, La Salle, Brent, UST, Don Bosco at iba pa.

Hooray, sa Valen­zuela, makakalaro ang mga pang­karaniwang kabataan ng football sa loob ng public school.

Hindi ako magtataka dadating ang panahon, may mga kabataang Valenzuelanon makakalaro ng football sa UAAP, NCAA o Palarong Pambansa.

O Valenzuelanon na susunod sa yapak ni Paulino Alcantara, Filipino na naging star striker ng FC Barcelona.

vuukle comment

KEVIN COSTNER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with