^

PM Sports

Brickman, Heading posibleng magharap sa T1 League Finals

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namumurong magharap sa finals sina Philippine pride Jason Brickman at Jordan Heading matapos ang panalo ng Kaohsiung Aquas at Taichung Suns sa magkaibang karibal sa semifinals ng T1 League sa Taiwan.

Tinambakan ng Kaohsiung ang Taiwan Beer HeroBears, 114-91 habang umeskapo ang Taichung sa New Taipei CTBC DEA, 102-96 para sa 1-0 bentahe sa kanilang mga best-of-three semifinals series.

Naglista si Brickman ng 19 points, 8 assists, 2 rebounds at 3 steals para giyahan ang balanseng atake ng Aquas.

Anim pang players ang umiskor ng double digits para sa Kaohsiung sa pangunguna ni Lithuanian center Mindaugas Kupsas na may 24 points at may 16-point, 10-rebound double-double si Xavier Alexander.

Susubukan ng No. 1 seed na Aquas na tapusin ang serye ngayong araw sa University of Taipei Tianmu Campus Gymnasium papasok sa championship round.

Posibleng mag-abang sa kanila ang Taichung na pinagbidahan ni Heading sa kanyang 15 markers, 4 rebounds at 2 assists.

Hindi rin nagpahuli si Palestinian star Sani Sakakini sa 33 points at 10 rebounds na ambag pati na si Anthony Tucker na may 30-point, 10-rebound double-double para sa Suns. 

JASON BRICKMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with