^

PM Sports

Mga palabang sabungero nagpalista na para sa “Pistahan”

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa-isa nang nagrereserba ng kanilang slots ang mga nais lumahok sa “Pistahan sa Mega 5-Cock Derby” sa Abril 21 hanggang Mayo 23 sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque City.

Naunang nagpalista ang dating Las Vegas singer na si Nico Fuentes na sa ka­salukuyan ay nagbi-breed ng panabong sa Aklan at si Fil-Am James Jamul ay mag­papasok ng tig-isang entry sa Abril 25 at Mayo 16.

Handog ni Ka Lando Lu­zong & Friends at ng Thunderbird bilang sponsor ang P3 milyong garantisadong premyo ng “Pistahan” kung saan ang entry fee at mi­nimum bet ay P4,400.

Ang championship prize ay P1.7 milyon.

Walong 2-cock eliminations ang nakalinya sa Roligon Mega Cockpit na itinayo ni Rolly Ligon noong 1988 kapalit ng dating Parañaque Cockpit Stadium o kilala din bilang 7-Up dahil nasa tabi ng pabrika ng softdrink.

Ang mga eliminasyon sa Roligon ay sa Abril 21, 25 at 28 at Mayo 2, 5, 12, 16 at 19  at may P100,000 day champion prize.

Karagdagan sa mga eli­minasyon sa Roligon ang mga provincial elimination sa Zamboanga City (Manny Dalipe/Bobby Fernandez, Batangas (Kred Katigbak), Pangasinan (Osmond Lambino) at Tuba, Benguet/Baguio City (Tonyboy Tabora) at Albay (Jahn Gloria) na wa­lang day champion prizes.

Inaayos din ang eliminasyon sa Tagbilaran, Bohol at sa Morong, Rizal sa pa­kikipag-ugnayan kina Ma­yor Baba Yap at Kano Raya.

Nagtala rin ng kanilang entries sina Ramon Josue, Marruel Terrobias (SCAT JM Gamefarm), Kano Raya, Mike Mangana, Ken Cantero, Jun Consuelo, Ronald Aquino, Glenn Mars Gamefarm, Engr. Ernie Otaza (E.O. Agusan Fighters), Bo­yet Plaza at TJ Marques ng Texas Cockpit Arena.

Para sa detalye tu­ma­wag sa Roligon Mega Cockpit sa 02-519-7345; Shirley 0920-9509090.

vuukle comment

COCKPIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with