Brickman tinalo ang tropa ni Heading sa TI League
MANILA, Philippines — Dinaig ulit ni Fil-Am Jason Brickman ang kababayang si Jordan Heading matapos ang 122-113 panalo ng Kaohsiung Aquas kontra sa Taichung Suns sa umiinit na T1 League sa Taiwan.
Kumpletong 13 points, 5 rebounds at 5 assists ang itinala ni Brickman sa repeat win ng league-leader Aquas kontra sa Suns sa National Taiwan University of Sport Gymnasium.
Nauna nang tinalo ng Kaohsiung ang Taichung noong nakaraang buwan, 87-71, para sa 3-2 season series record nila matapos yumukod sa una nilang mga duwelo, 93-88 at 104-89.
Nakakuha ng suporta si Heading mula kina Ya Huan-ya at Mindaugas Kupsas na may 26 at 24 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa Aquas na nanatiling nasa tuktok ng T1 League hawak ang 12-4 baraha.
Naputol din nila ang two-game winning streak ng Taichung na nalaglag sa 9-7 kartada.
Samantala, umiskor ng 12 points, 7 rebounds at 2 assists si Fil-Am prospect na si Caelan Tiongson sa 118-99 panalo ng Taoyuan Leopards kontra sa Tainan TSG Ghost Hawks.
- Latest