^

PM Sports

Isaac Go pumirma ng 2-year deal sa Dyip

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasado na ang pag-akyat ng limang Gilas Pilipinas cadets sa PBA matapos ang pagpirma ng huling manlalaro na si Isaac Go kahapon sa mother team niyang Terrafirma.

Dalawang taon ang pinirmahang kontrata ng dating Ateneo stalwart, ayon kay coach Johnedel Cardel, sakto sa pagbabalik-aksyon ng 2022 PBA Governors’ Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum matapos ang lagpas isang buwang pagkakatengga.

Si Go ang pinakahu­ling Gilas cadet na nakasikwat ng PBA contract matapos ang unang pagpirma nina Rey Suerte (Blackwater), Allyn Bulanadi (Alaska), Mike Nieto (Rain or Shine) at Matt Nieto (NLEX).

Miyembro ang limang players ng 2019 special PBA draft para sa Gilas tampok si Go bilang No. 1 pick ng Dyip kasunod ang No. 2 selection na si Suerte  habang kinumpleto nina Matt, Bulanadi at Mike ang Top 5.

Ipinahiram sila ng PBA sa Gilas subalit na­paso na ang kanilang kontrata noong Enero 31 na nagbigay-daan sa pagpasok nila sa pro lea­gue.

 

ISAAC GO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with