^

PM Sports

6-wushu tournament sana ang sinalihan ni Agatha Wong

Russell Cadayona - Pang-masa
6-wushu tournament sana ang sinalihan ni Agatha Wong
Agatha Chrystenzen Wong

MANILA, Philippines — Isa si 2019 Southeast Asian Games gold medalist Agatha Chrystenzen Wong ng wushu sa mga national athletes na labis na naapektuhan ng coronavirus di-sease (COVID-19).

Sa Philippine Sports Commission (PSC) Hour ay sinabi ni Wong, inangkin ang dalawang gintong medalya-- women’s taolu taijijian at taijiquan events ng wushu sa Manila SEAG, na anim na international competitions ang nakatakda sana niyang lahukan ngayong taon.

Ngunit dahil sa COVID-19 pandemic na nagsimula noong Marso ay malamang na sa susunod na taon pa siya muling makasabak sa aksyon.

“Kung mamu-move lahat iyong competitions ko next year I would say six international competitions,” wika ng 21-anyos na si Wong.

Isa sa mga malalaking international tournaments na lalahukan ni Wong ay ang 2021 SEA Games sa Hanoi, Vietnam. Kaya ngayon pa lamang ay pinagha-handaan na niya ang kanyang mga makakalaban sa naturang biennial event.

“Kino-compare namin isa-isa. Inaaral namin kung ano iyong strength ng Malaysia, Vietnam at kung ano iyong wala ako,” wika ng national wushu artist.

Sapul nang magkaroon ng pandemya ay hindi na nakakapag-ensayo ang mga national athletes, kasama rito ang mga nagtatangkang makakuha ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Plano ng PSC  na ipasok sa isang ‘training bubble’ sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang mga atletang may tsansa sa Olympics mula sa boxing, taekwondo at karate.

AGATHA CHRYSTENZEN WONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with