May pa-throwback si Artadi sa mga taga-Barangay
MANILA, Philippines — Mapapa-major throw-back ang lahat ng Pinoy basketball fans dahil isang mini-reunion ang niluto ni retired PBA player Paul Artadi.
Makakasama ni Artadi ang 2008 PBA Fiesta Conference champions sa isang FB Live via Zoom Conference bandang alas-8 ng gabi.
Sa Instagram in-announce ng 2009 PBA All-Stars Obstacle Challenge champion ang magandang balitang ito sa lahat ng mga ka-Barangay at Pinoy hoops fans.
“It’s on. FB Live Zoom meeting with the 2008 PBA Fiesta Conference champions, Barangay Ginebra! Nood na mga ka-barangay, this Saturday, June 6, 8:00 PM,” post ni Artadi.
Inaasahang makikipagkulitan sina Ginebra stalwarts Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand kasama sina Billy Mamaril, Eric Menk, Ronald Tubid, Rafi Reavis, Sunday Salvacion at Rodney Santos.
- Latest















