^

PM Sports

Gokongwei, Tan gagawaran ng posthumous award

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang dating PBA team owners, kasama ang isang founding member ng liga, ang gagawaran ng posthumous recognition sa SMC-PSA (Philip­pine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Nasa unahan ng lista­han ang mga pangalan ng yumaong billionaire at philanthropist na sina John Gokongwei Jr. at Lu­cio ‘Bong’ Tan Jr..

Ang dalawa ay kasama sa 15 pumanaw na per­sonalidad na bibigyan ng short video ng pinakamatandang media organi­zation sa Marso 6.

Ang 93-anyos na si Go­kongwei, may-ari ng CFC Corporation (nga­yon ay Universal Robina Corporation) franchise ay isa sa mga founding mem­bers ng PBA nang ilunsad ito noong 1975.

Naglaro ang prangki­sa gamit ang mga brand names na Presto, N-Rich, Great Taste at Tivoli at na­nalo ng kabuuang anim na PBA championships sa loob ng 17 taon sa liga.

Ang 53-anyos namang si Tan ay ang basketball-loving owner ng Tanduay franchise na bumalik sa PBA noong 1999.

Pumanaw si Tan no­ong Nobyembre 11 dalawang araw matapos si Gokongwei.

Pararangalan din sina national team standouts at sports officials Claro Pellosis, Flo­ren­do Ritua­lo, Sr., Susan Papa, Ange­lo Constantino, Rafael Po­liquit at Mark Joseph.

JOHN GOKONGWEI JR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with