^

PM Sports

Tebow kakatawan sa Pilipinas

Chris Co - Pang-masa
Tebow kakatawan sa Pilipinas
Tim Tebow

MANILA, Philippines – Sabik na si dating NFL superstar Tim Tebow na ka­tawanin ang Pilipinas sa prestihiyosong 2020 World Baseball Classic qualifying tournament na idaraos sa Marso 20-25 sa Kino Veterans Memorial Stadium sa Tucson, USA.

Ipinanganak sa Maka­­ti ang 32-anyos na si Te­­­­bow sa mga Ame­ri­ka­nong magulang na Baptist missionaries.

Naglaro siya para sa Denver Broncos, New York Jets, New England Patriots at sa Philadelphia Eagles sa NFL.

“Grateful and excited to play for team Philippines in the @WBCbaseball ... the country I was born in and somewhere that is near and dear to my heart!,” wika ni Tebow sa kanyang Twitter account.

Malaking tulong si Te­bow sa national team da­hil sa malalim niyang ka­ranasan.

Tinulungan niya ang University of Florida pa­ra masungkit ang dalawang US national collegiate titles bago tuluyang kunin ng Denver Broncos noong 2010 NFL Draft.

Nakatanggap din si Tebow ng kaliwa’t ka­nang parangal kabilang na ang AP Player of the Year, Davey O’Brien Award, Heisman Trophy, Manning Award, Maxwell Award at Sporting News Player of the Year.

Kamakailan lamang ay ikinasal si Tebow sa kasintahang si Demi-Leigh Nel-Peters – ang South African na nagwagi sa 2017 Miss Universe.

Malapit ang puso ni Tebow sa Pilipinas.

Makailang ulit siyang bumabalik sa bansa para magsagawa ng mga cha­ri­ty works.

Ito ang unang pagka­kataon na isusuot ni Te­bow ang jersey ng Pilipi­nas.

Makakasagupa ng Pi­noy squad ang Britain, New Zealand, Spain, Pa­nama at Czech Republic.

Unang makakaharap ng Pilipinas ang Czech Re­public sa Marso 20.

Ang mananalo sa Phi­lippines-Czech game ang aabante kontra sa Panama sa semifinals.

 

TIM TEBOW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with