^

PM Sports

Bridges, Williamson nagpasiklab

Pang-masa

CHICAGO — Lumipad si Miles Bridges kagaya ng kanyang boss sa Chicago habang nakasira naman ng rim si top rookie Zion Williamson sa pagpasimula sa 2020 NBA All-Star Weekend.

Umiskor si Bridges ng 20 points at hinirang na MVP at nagtala si Eric Paschall ng 23 markers para tulungan ang U.S. team sa 151-131 paggupo sa World squad sa Rising Stars Challenge kagabi.

Si Bridges ang nagsisilbing ‘bright spot’para sa Charlotte Hornets sa kanilang season.

Nasa No. 11 ang Hornets sa Eastern Conference bitbit ang 18-36 record ngunit nagpamalas ng kanyang husay ang second-year pro sa harap ng hometown ni Charlotte team owner Michael Jordan.

“We wanted to come out and play hard in the Ri-sing Stars and show what Charlotte is about -- me, Devonte’ [Graham] and PJ [Washington],” wika ni Bridges. “And that’s what we did. I didn’t have any extra motivation, really, I wouldn’t say that. But MJ putting Chicago on the map, it definitely plays a big part, though.”

Ang MVP trophy ay ibinigay kay Bridges ni Hall of Famer at Chicago product Isiah Thomas.

Tumipa naman si Cleveland Cavaliers guard Collin Sexton ng 21 points para sa US team habang may 18 at 16 markers sina Atlanta Hawks All-Star Trae Young at Chicago product Kendrick Nunn ng Miami Heat, ayon sa pagkakasunod.

Tumapos si Williamson na may 14 points at nakasira ng rim sa isa niyang dunk.

BRIDGES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with