^

PM Sports

Adiwang pambatong Pinoy sa ONE Championships

Pang-masa
Adiwang pambatong Pinoy sa ONE Championships
Lito “Thunder Kid” Adiwang

MANILA, Philippines — Magarbo ang naging simula ng next generation Team Lakay stalwart na si Lito “Thunder Kid” Adiwang na napasama sa sikat na travel series reality show ni  Rich Franklin na ONE Warrior Series noong 2018.

Marami ang humanga sa kanyang knockout victory nang mag-debut ito laban kay Jose Manuel Huerta. Sa ikalawa niyang laban, dinimolisa ni Adiwang si Albert Correia Da Silva sa loob lamang ng 45 seconds at nakita ang kakayahan ng “Thunder Kid.” Sa kanyang mabilis na unanimous decision victory kontra kay Anthony Do, pinatunayan ni Adiwang na malayo ang kanyang mararating.

‘Di naglaon ay binigyan ni Franklin si Adiwang ng six-figure contract para umusad sa ONE Championship kung saan wala nang nakapigil sa kanya.

“[Earning the ONE Championship contract] was the greatest feeling of my life, and I was super excited to show the world what I could do,” sabi ni Adiwang.

Tumalon si Adiwang sa makasaysayang ONE: Century card sa Tokyo, Japan laban sa bigating si Senzo Ikeda. Sinasabing ito na ang pinakamabigat na pagsubok ni Adiwang ngunit walang makapaniwala nang tapusin niya agad ang Japanese warrior sa pamamagitan ng kanyang hinahangaang ground game.

Ginamitan ni Adiwang si Ikeda ng scarf hold at nagawa niyang i-trap ang kanyang mga braso kaya ‘di nagtagal ay naipit na niya ang kalaban sa pamamagitan ng armlock.

Dahil ‘di na makakawala, sinenyasan ni Adiwang ang referee na may injury na ang kalaban. Nang tumayo si Adiwang at lumayo, nakitang ang siko ni Ikeda ay hyperextended na kaya natapos ang laban.

“I always go for the finish. That’s one thing fans can count on from me. I have an intelligent game plan, but my goal is to always end the fight early,” ani Adiwang.

Nito lamang Jan. 31 (Biyernes), nakita si  Adiwang sa ikala-wang pagkakataon sa ONE Circle at hinarap nang bigating si Pongsiri Mitsatit ng Thailand sa ONE: Fire & Fury.

Unang laban ito ni Adiwang sa harap ng kanyang mga kababayan sa Manila bilang bahagi ng ONE roster.

Tinadtad agad ng Team Lakay bet si Mitsatit ng hooks at matutulis na uppercuts at ‘di makaganti si Mitsatit.

Habang umaatras ang Thai warrior, sumusugod naman si Adiwang sa tangkang maagang tapusin ang laban. Matapos ang isang mainit na aksiyon, lumipat si Adiwang sa grappling mode at naghintay ng pagkakataon para sa kanyang scarf hold position. Mula dito, nagawa niyang ilagay ang braso ni  Mitsatit sa ‘kimura’ kaya nahirapan itong makakawala at napuwersa si Mitsatit na mag-tap tulad ng nangyari kay Ikeda.

“The moment I saw Lito perform, I knew he was something special. He’s the complete package. He has the power and the skill. I knew he would move through the ranks quickly,” sabi ni Franklin. “We’re always looking for the best talent in the world. We want to give opportunity to those who we believe can step onto the global stage and make an immediate impact.”

 

vuukle comment

ONE CHAMPIONSHIPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with