^

PM Sports

‘Pacman’ nominado sa Hall of Fame

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maningning ang pangalan ni dating world champion Manny Pacquiao sa mundo ng boksing.

Kaya naman isa siya sa mga nominado para sa prestihiyosong International Boxing Hall of Fame.

Sa ulat na inilabas ng The Ring, isa ang Pinoy champion sa mga nominado para sa naturang parangalan na igagawad sa susunod na taon.

Pasok na pasok ang pangalan ni Pacquiao dahil sa malaking kontribusyon nito sa mundo ng boxing.

Kasama pa ang mahabang listahan ng tagumpay nito para maging karapat-dapat sa Hall of Fame.

Si Pacquiao lamang ang bukod-tanging boksingero sa buong mundo na may world title sa walong magkakaibang dibisyon.

Nagkampeon ito sa flyweight, super bantamweight, featherweight, super featherweight, lightweight, light welterweight, welterweight at light middleweight.

Ilan sa mga kilalang boksingerong tinalo nito ay sina Erik Morales, Marco Antonio Barrera, Juan Ma­nuel Marquez, Oscar dela Hoya, Ricky Hatton, An­tonio Margarito at Shane Mosley.

Nakaharap din nito sina Brandon Rios, Bradley, Chris Algieri at Floyd Mayweather, Jr.

Sa kanilang laban ni Mayweather na tinawag na ‘Fight of the Century’ noong 2015 ay hindi pinalad na makuha ni Pacquiao ang panalo.

Lumasap si Pacquiao ng unanimous decision loss kay Mayweather sa labang ginanap sa MGM Grand Garden Arena sa Nevada.

MANNY PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with