^

PM Sports

Lady Chiefs wagi sa Lady Stags

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Lady Chiefs wagi sa Lady Stags

MANILA, Philippines — Apat na sets ang binuno ng Arellano University Lady Chiefs para dagitin ang ikaapat na sunod na panalo, 25-17, 25-18, 25-27, 25-13 kontra sa San Sebastian Lady Stags sa NCAA season 95 women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Itinala ni reigning Finals Most Valuable Player (MVP) Regine Arcoha ang career-high sa liga na 24 points, mula sa 19 attacks, 4 aces, 1 block, at may 11 digs at 9 receptions para sa Arellano na sinaluhan ang Saint Benilde sa liderato hawak ang 4-0 na baraha.

Nag-ambag din si season 94 MVP Necole Ebuen ng 10 points at 11 excellent digs habang nagparamdam din si  Princess Bello at middle blockers na sina Carla Donato, Mikaela Juanich na may 9 at tig-8 markers, ayon sa pagkakasunod.

Agarang nakuha ng Lady Chiefs ang tiyempo sa unang dalawang set ngunit naging kampante ang mga ito sa third set na sinamantala ng Lady Stags para itabla ito sa 24, mula sa 3-0 atake, at ipuwersa ang fourth sa crosscourt ni Shannai Requierme.

Pagpasok ng fourth ay lumabas ang championship experience ng Arellano at tuluyan nang dinomina ang laro nang itarak nila ang 8-0 run sa pangunguna ni Arocha para sa 17-8 na bentahe tungo sa tagumpay.

“Actually talagang nag-relax ‘yung mga player kaya nakakatakot kumbaga hindi dapat kasi ganun ‘yung isang team kaya imbes na dapat ma-expose ‘yung ibang bata hindi mo magawa,” sabi ni coach Obet Javier. “Kasi ‘yung team mo hindi mo malaman kung lalayuan niya ba nang husto o ididikit na naman niya ulit, kaya nakakatakot sumugal.”

Samantala, matapos ang apat na laro, nasungkit na rin ng Lyceum Lady Pirates ang una nitong panalo sa liga nang walisin nito ang Jose Rizal University Lady Bombers, 25-23, 25-19, 25-23.

Mula sa 2-0 set advantage, dumiretso sa 17-9 kalamangan ang Lyceum pero rumagasang pabalik ang Lady Bombers at itinala ang 8-0 run para itabla sa 17 ang laro pero hindi ito sapat para pahinain ang Lyceum at makahahirit pa ng isang set.

vuukle comment

LADY CHIEFS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with