PSA Awards sa Marso
MANILA, Philippines — Sa pagbibigay ng karangalan sa bansa sa nakaraang taon ay parara-ngalan ang mga top sports achievers sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night na nakatakda sa unang linggo ng Marso sa Manila Hotel.
Itatampok sa annual affair na iniha-handog ng Milo, Cignal TV at Philippine Sports Commission (PSC) ang paggawad sa Athlete of the Year honor na ibinibigay ng pinakamatandang media organization sa bansa sa pangunguna ni president Tito S. Talao, ang sports editor ng Manila Bulletin.
Sa taong 2019 ay ipinakita ng mga Filipino athletes ang kanilang husay mula sa Southeast Asia hanggang sa world stage.
Inangkin ng Team Philippines ang overall championship ng 30th Southeast Asian Games sa ikalawang pagkakataon sa 42 taon ng paglahok sa biennial meet.
Kinilala naman si Carlos Yulo bilang unang Filipino at gymnast mula sa Southeast Asia na nagwagi ng makasaysayang gold medal sa 49th Artistic Gymnastics World Championships sa Stuttgart, Germany.
Sinuntok din ni lady boxer Nesthy Petecio ang unang gold medal sa AIBA Women’s World Boxing Championships matapos dominahin ang featherweight division sa Ulan-Ude Russia.
Hinirang naman si Ernest John Obie-na bilang unang Filipino na nag-qualify para sa 2020 Tokyo Olympics nang lampasan ang Olympic qualifying standard sa men’s pole vault sa paghahari sa isang torneo sa Chiara, Italy.
Ang nasabing mga sports heroes at heroines ang inaasahang mangunguna sa mga personalities at entities na pararangalan ng sportswriting fraternity.
Bukod sa Athlete of the Year award, ibibigay din ang President’s Award, National Sports Association (NSA) of the Year award, Executive of the Year, Ms. Basketball, Mr. Volleyball, Ms. Golf, Mr. Football at ang kauna-unahang Coach of the Year.
Kagaya ng mga nakaraang awards night, magkakaroon din ng Major Awards, Lifetime Achievement Award, Tony Siddayao Awards, Milo Junior Athletes Award at citations na pamumunuan ng mga SEA Games gold me-dal winners.
Bibigyan din ang mga namayapa nang sports personalities ng posthumous recognition.
- Latest