^

PM Sports

Nagdeliber ang Philippine kickboxing team

PJ Carpio - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa unang salang ng kickboxing sa Southeast Asian Games, nakapagdeliber ang mga Pinoy fighters ng tatlong gintong medalya para magkaroon ng ambag sa overall title ng Team Philippines sa ika-30th edisyon ng biennial meet.

Inihatid ni Jerry Oslim ang unang ginto sa pilipinas sa kickboxing competition nang dominahin nito si Thai Sarayut Klinming, 3-0 sa Men’s 69kg kick light finals.

Pinabagsak naman ni Gina Iniong, na miyembro ng Team Lakay, ang katunggaling si Apichaya Mingkhwan ng Thailand, 3-0 sa gold medal match ng Women’s 55kg King Light Category.

Nagpakita naman ng liksi ang MMA Star na si Jean Claude Saclag nang pataubin nito si Malaysian Mohammed Bin Mahmoud, 3-0 sa Men’s 69kg kick light finals.

Bukod sa gold medal, nakapag-uwi rin ng silver medal ang kababayan nilang sina Renalyn Daquel sa women’s 48kg kickboxing category at Jomar Balangui sa men’s 54kg low kick category.

Nag-uwi naman ng Bronze Medal sa 51kg full contact category si Karol Maguide.

Sa pagtatapos ng kumpetisyon, pumapa-ngalawa ang Pilipinas sa likod ng Vietnam na nakaapat na gold at isang bronze.

 

PHILIPPINE KICKBOXING TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with