Isaac Go magpapa-draft
MANILA, Philippines — Nagpasa na ng kanyang aplikasyon sa paparating na 2019 PBA Rookie Draft kahapon ang Ateneo big man na si Isaac Go na tinapos ang kanyang UAAP career sa tatlong sunod na kampeo-nato sahog pa ang 16-0 sweep sa kanyang huling UAAP season.
Isa si Go sa inaasahang top picks ng paparating na draft bilang miyembro ng 23 for 2023 Gilas Pilipinas pool para sa 2023 FIBA World Cup na gaganapin dito sa bansa.
Nagrehistro si Go ng 9.3 puntos, 5.1 rebounds, 1.1 assists at 0.8 blocks sa kanyang final year at bagama’t naging tagasuporta lang ni Angelo Koau-me ngayong season ay hindi pa rin maitatanggi na siya ang best big man sa PBA Draft.
Si Go rin ang tinanghal na Conference MVP sa championship run ng Ateneo sa 2019 PBA-D-League bago ang kanilang UAAP campaign.
Kamakalawa, nagsumite na rin ng kanilang aplikasyon ang teammates ni Go sa Blue Eagles na sina Matt at Mike Nieto.
Sa parehong araw ay nagdesisyon din ang Ly-ceum twins na sina Jayvee at Jaycee Marcelino na hindi na tapusin ang kanilang final playing year sa NCAA upang subukin ang kapalaran sa PBA.
Malakas din ang kaso ni NCAA scoring champion Allyn Bulanadi ng San Sebastian.
Hanggang ngayong Nobyembre 29 na lamang ang deadline para ng local at Fil-foreigner aspirants para sa PBA Rookie Draft na nakatakda sa Disyembre 8 sa Robinsons’ Place Manila.
- Latest