Philippine football, floorball, netball sisimulan na rin ngayon
MANILA, Philippines — Sasabak na ang Philippine National Under-22 at national women’s squads ngayon tangan ang homecourt advantage sa pagsisimula ng 30th Southeast Asian Games football championships sa Rizal Memorial Football Stadium sa Manila at Biñan Stadium sa Laguna, ayon sa pagkakasunod.
Ang men’s team ay pangungunahan ni Azkals skipper Stephan Schrock sa pagbubukas ng kanilang kampanya sa Group A laban sa Cambodia sa alas-8 ng gabi kasunod ang laban ng Malaysia at Myanmar sa alas-4 ng hapon sa parehong grupo.
Ang women’s team na Malditas ay mapapalaban naman sa powerhouse Myanmar sa huling laro sa alas-8:00 ng gabi sa Group A pagkatapos ng Group B match ng Vietnam at defending champion Thailand sa alas-4.
“We expect some hidden gems to be unveiled,” sabi ni Philippine Football Federation president Nonong Araneta. “I am confident that our players will be able to seize their chance and show that there is continuous improvement in Phi-lippine football.”
“We have young players who are products of the grassroots programs of their respective provinces as well as foreign-based players with experience so there is a good balance to our team,” sabi pa ni Araneta.
Pipilitin ng Philippine national floorball team na matuldukan ang four-year medal drought ng bansa sa floorball event na magsisimula ng pumalo ngayon sa University of the Phi-lippines Gymnasium sa Diliman, Quezon City.
Dalawang gintong medalya ang nakataya sa sports na ito at unang makakaharap ng national women’s team ang bansang Indonesia bandang ala-1 ng hapon at sa alas-7 ng gabi naman ang laban ng men’s team sa kaparehong bansa.
Para kay national team head coach Noel Johansson, sa dalawa’t kalaha-ting taon niyang pagtuturo at pagsasanay sa Nationals ay nakita niya ang pag-angat ng mga laro at naniniwala siya na may tsansa ang bansa na makapagbulsa ng medalya rito.
Sina Henrik Dahmen, Lucas Oijvall, Jason Florentino, Jan Arocena at Ysaac Gelangre ang magbabandera sa 20-man line-up para sa men’s team nito.
Sasabak naman ang Phl netball team sa Singapore sa alas-3 ng hapon sa Sta. Rosa Multi-Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.
Kasama sa women’s team sina Kristine Abriam, Ana Thea Cenarosa, Katrina Rose Domino, Diana Doqueza, Loraine Angela Lim, Karen Lomogda, Janelle Mendoza, Cathlyn Jane Seno, Zharmaine Velez, Eliezza Dianne Ventura, Alexadrea Gastador at Jhianne Layug.
- Latest