^

PM Sports

Tigers hihirit ng ‘do-or-die’ sa Maroons

Paul Jerome Carpio - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng fourth seed na University of San­to Tomas na makahirit ng ‘do-or-die’ game sa pagsa­gupa sa second ranked na University of the Philippines sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Maghahrap ang Growling Tigers at Fighting Maroons, may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage,  nga­yong alas 4 ng hapon.

Kung magwawagi ang Growling Tigers ay makakahirit pa sila ng ‘winner-take-all’ game sa Miyerkules sa Mall Of Asia Arena sa Pasay City.

Nanggaling ang UST sa 81-71 pagsibak sa Far Eas­­tern University sa likod ng impresibong 25 points at 10 rebounds ni UAAP MVP Soulemane Chabi Yo parag ihatid ang koponan ni coach Aldin Ayo sa  ikalawang bahagi ng stepladder semifinals.

“He’s not going to slow down, I know him perso­nally. When he said that he wants the championship more, well, he really means it.” ani Ayo kay Chabi Yo.

Makakatuwang ni Chabi Yo sina Brent Paraiso, Ro­okie of the Year Mark Nonoy, guard Enzo Subido at Sherwin Concepcion para sa Growling Tigers.

Sa kabilang panig naman ay natengga ng 11 araw ang Fighting Maroons matapos masukbit ang ika­la­wang puwesto sa eliminasyon.

Para kay head coach Bo Perasol pabor ito para sa UP upang mapaghandaan at masuri ang kanilang ma­kakatunggali.

“What I’m thankful of is we have time to prepare. No. 2, some of my injured players have time to recupe­rate, “ wika ni Perasol. “So iyon ang mas mabuti tala­ga na nangyari dito. We need to also re-assess what we can do better.”

Pipilitin nina Kobe Paras, Bright Akhuetie at Ricci Rivero na muling ibalik ang Di­liman-based team sa UAAP Finals sa ikalawang pagkakataon.

Pinatumba ng Growling Tigers ang Fighting Maroons sa eliminasyon matapos kunin ang 85-69 pa­nalo noong Setyembre 7 at 84-78 tagumpay noong Oktubre 16.

 

MAROONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with