Bolick sasailalim sa right knee surgery
MANILA, Philippines — Mawawalan ng malaking piraso ang NorthPort sa nalalabing kampanya sa 2019 PBA Governors’ Cup.
Ito ay dahil sa nakatakdang operasyon sa kanang tuhod ni No. 3 overall pick Robert Bolick, ayon sa kumpirmasyon ni Batang Pier owner Mikee Romero.
“Robert, we wish you the best in your operation,” ani Romero na nagsisilbi ring House Deputy Speaker. “The team will miss you for a couple of months, but I’m sure you will comeback stronger. I am just behind you all the way.”
Matatandaang noong nakaraang Linggo ay naging masama ang bagsak ni Bolick sa huling bahagi ng 127-119 panalo ng NorthPort kontra sa San Miguel.
Hindi na bumalik sa laro si Bolick at sumailalim sa MRI kamakalawa na dahilan ng kanyang inaasahang matagal na pagkawala.
Napili si Bolick bilang third overall pick sa 2018 PBA Rookie Draft sa likod nina CJ Perez ng Columbian at Bobby Ray Parks, Jr. ng Blackwater.
Isa rin si Bolick sa 12-man Gilas Pilipinas 3x3 pool para sa 30th SEA Games.
- Latest