Nazareth nagdomina sa Best
MANILA, Philippines — Winalis ng Nazareth School of National University ang lima nilang laro sa Passerelle Division, habang umabante naman ang La Salle Greenhills-A sa semifinals ng Small Basketeers Philippines sa twin tournaments ng Best Center.
Giniba ng Nazareth School ang La Salle Greenhills (2-2), 57-27, para sa kanilang pang-limang panalo sa Passerelle division.
Itinala naman ng San Sebastian College-Recoletos ang una nilang panalo sa limang laro matapos biguin ang Casimiro A. Ynares Sr. Memorial National High School, 68-34.
Dumiretso ang LSGH-A sa kanilang ikaapat na dikit na ratsada para sa top semifinals seeding sa Group A ng SBP Division matapos kunin ang 54-23 tagumpay laban sa San Beda College (2-2) at inangkin ng College of San Benildo ang ikalawa nilang panalo mula sa 41-25 paggupo sa Claret.
- Latest

















