^

PM Sports

GenSan, Davao Occ. nagpasiklab

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasustinihan ng General Santos City ang kanilang winning run sa MPBL Lakan Season habang ipinakita ng Davao Occidental ang kanilang dominasyon  sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

 Tinalo ng General Santos City Warriors ang Iloilo United Royals, 69-64 upang ibigay kay coach Rich Alvarez ang ikatlong sunod na panalo. Hindi pa natatalo ang rookie coach sapul nang hawakan ang koponan na umangat sa 5-2 para tumabla sa expansion team na Bicol Volcanoes.

Dalawang player ang nagtala ng double-double para sa Warriors na mga bagong salta sa team na si Rob Celiz at  John Orbeta.

Nagtala si Celiz ng 15 points at 15 rebounds para pangunahan ang Warriors habang si Orbeta ay may 13 points at 10 boards.

 Nanalo rin ang Davao Occidental nang pasadsarin ng Cocolife-backed Tigers ang Bacolod-Master Sardines, 85-74 sa pangunguna nina Mark Yee at fellow ex-pro James Forrester na nagsulong sa reigning southern division champion sa ikalimang sunod na panalo sa anim na laro  para samahan ang Bacoor Strikers sa liderato sa south division.

 Tinapos naman ng Imus Bandera ang  kanilang three-game losing skid nang kanilang igupo ang SOCCSKSARGEN Marlins, 82-70 sa main game  sa pagbibida nina ex-PBA players Chad Alonzo at former PBA MVP Jayjay Helterbrand para sa unang pana-lo ng bagitong coach na si Mac Cuan.

vuukle comment

GENSAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with