^

PM Sports

BanKo Perlas nagpalakas

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kumapit nang husto ang BanKo Perlas sa hu­ling sandali ng laro para ku­nin ang 19-25, 23-25, 25-18, 25-22, 17-15 pa­nalo laban sa Motolite para palakasin ang tsansang makapasok sa se­mi­finals ng Premier Vol­ley­ball League (PVL) Re­inforced Conference ka­hapon sa Alonte Sports Center sa Biñan, Laguna.

Pinamunuan ni team captain Nicole Tiamzon ang Perlas Spikers matapos kumana ng 19 points mula sa 18 attacks at 1  ace kasama ang game-winning hit sa fifth set para makuha ang panalo.

“Nag-reset lang kami lalo na nung down kami ng two sets. Sa fifth set ta­lagang patatagan na lang ng loob. Wala ka-ming inisip kundi makapuntos lang at makuha ‘yung set,” ani Tiamzon.

Umangat ang Perlas Spi­kers sa No. 4 spot hawak ang 3-5 baraha.

Matapos malugmok sa 0-2 pagkakabaon, hindi agad nawalan ng pag-asa ang BanKo Perlas nang ilatag nito ang matikas na opensa sa likod nina Tiamzon, middle blockers Katherine Bersola at Turkish Yasemin Yildirim.

Nagbigay din ng ilang krusyal na puntos si Thai import Sutadta Chuewulim at opposite hitter Sue Roces para maitabla sa 2-2 ang sets.

Sa fifth set, nakabaon sa 12-14 ang Perlas Spi-kers ngunit unti-unti itong lumapit para maitabla sa 14-all bago kumana si Tiamzon ng mga huling puntos ng tropa upang ma­kuha ang panalo.

“Pina-practice namin sa training na kapag wala ka­ming receive, kaila­ngan may go-to-person ka­mi kaya kailangan namin akuin (kapag ibinigay sa amin yung bola) la­lo na sa crunch time,” ani Tiamzon.

Nanganganib ang Po­wer Builders na nahulog sa 3-6 baraha.

 

 

BANKO PERLAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with