Kulang sa exposure ang mga siklista
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Aminado si Felipe Marcelo ng 7-Eleven Cliqq-Air21 na kulang sa paglahok sa mga internatio-nal competitions ang mga Pinoy cyclists.
Napatunayan ito sa katatapos na 2019 Le Tour de Filipinas kung saan mga fo-reign riders ang naghari sa five-stage, Ca-tegory 2.2 event na may basbas ng UCI.
“Siguro mas lamang sila sa amin pagdating sa international races na sinasalihan,” ani Marcelo sa mga foreign cyclists. “Mas matataas ding level of races ang sinasalihan nila, kaya pagdating dito parang madali na lang silang manalo.”
Tumapos ang 24-anyos na si Marcelo sa No. 11 sa individual overall classification sa kanyang aggragate time na 20:40.43 habang nasa No. 15 si 2014 Le Tour de Filipinas champion Mark Galedo (20:43.17) ng Celeste Cycles-Bianchi.
Ang mga foreign riders na nanalo sa limang stages ay sina Dutchman Jeroen Meijers (Stage One) ng Taiyuan Miogee Cycling Team (China), German Mario Vogt (Stage Two at Five) ng Team Sapura Cycling (Malaysia) at Australians Samuel Hill (Stage Three) at Jesse Coyle (Stage Four) ng Team Nero Bianchi.
Hinirang si Meijers bilang bagong kampeon ng Le Tour de Filipinas matapos magposte ng bilis na 20:38.07.
Nabigo si 2017 titlist El Joshua Carino ng Philippine national team na maidepensa ang kanyang korona nang hindi makuha ang limit time sa Stage One.
Isinama ni Meijers ang kanyang pangalan sa mga naghari sa Le Tour de Filipinas na sina David McCann (2010) ng Ireland, Rahim Emami (2011) ng Iran, Jonipher Ravina (2012) ng Pilipinas, Ghader Mizbani Iranagh (2013) ng Iran, Galedo (2014), Thomas Lebas (2015) ng France, Oleg Zemlyakov (2016) ng Kazakhstan, Jai Crawford (2017) ng Australia at Carino (2018).
“We are encouraging our Filipino cyclists to take advantage of our homecourt advantage,” wika ni Le Tour de Filipinas chairman Donna May Lina. “I hope they can prioritize this race for us to win again.”
Nais ng 6-foot-2 na si Meijers na bumalik siya sa susunod na taon para sa hangad na back-to-back crown.
“Hopefully, I will be back next year,” sabi ng 26-anyos na si Maijers. “This is a nice country and probably I’ll be back one day for a vacation and visit some beach here.”
Kinilala naman ang Go for Gold bilang Best Filipino Team kasunod ang Philippine National Team at 7-Eleven Cliqq-Air21.
“It was a fitting end to Le Tour’s 10th year anniversary and we’re excited for another one next year,” sabi ni Lina.
- Latest