^

PM Sports

Netherland rider sa Stage 1

Russell Cadayona - Pang-masa
Netherland rider sa Stage 1

TAGAYTAY CITY, Philippines –Dahil sa kawalan ng pagkakaisa ay nabigo ang mga Pinoy na makuha ang Stage One ng 2019 Le Tour de Filipinas.

Nagsumite si Netherlands cyclist Jeroen Meijers ng Taiyuan Miogee Cycling Team ng bilis na tatlong oras, anim na minuto at 59 segundo para angkinin ang lap stage kahapon dito.

“We have prepared for this stage, and I was able to breakaway before the KOM (King of the Mountain, Tagaytay-Talisay Sampaloc Road),” wika ng 26-anyos na si Meijers sa kanyang panalo sa 129,5-kilometer lap na sinimulan at tinapos dito sa Tagaytay City Praying Hands Monument.

Inungusan ni Meijers para sa purple jersey sina Angus Lyons (03:08.32) ng Oli-vers Real Food Racing, Daniel Habtemichael (03:09.02) ng 7-Eleven, Sandy Nur Hassan (03:09.14) at Aiman Cahyadi (03:09.21) ng PGN Road Cycling Team.

Si Felipe Marcela (03:09.25) ng 7-Eleven Cliqq-Air21 ang nag-iisang Pinoy rider na napabilang sa Top 10, habang hindi na maidedepensa ni El Joshua Cariño ng Philippine national team ang kanyang korona.

Ito ay dahil hindi nakuha ni Cariño, kasama ang teammate na si Ronald Oranza, ang limit time.

“Nag-standby ako sa last five kilometers, pero marami na ring teams na umatake kaya hindi na ako naghabol sa unahan,” sabi ni Marcelo.

Pipilitin ni Meijers na mapanatiling hawak ang purple jersey ngayon sa Stage Two 194.90-km mula Pagbilao, Quezon papunta sa Daet Camarines Norte.

Kabuuang 14 koponan ang kalahok sa nasabing Category 2.2 event na may basbas ng International Cycling Union (UCI) na inorganisa ng Ube Media, Inc.

2019 LE TOUR DE FILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with