^

PM Sports

Ang pagbabalik ni Hernandez

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Labis na natutuwa ang mga panatiko ni star jockey Jonathan Basco Hernandez dahil madalas na nila itong makita sa pista at nagpapanalo na rin.

Maraming racing apisyunados ang umiidolo kay Hernandez kaya naman nalulungkot sila kapag hindi nila nakikita sa top 10 jockeys ang kanilang paboritong hinete.

Tulad ng inilabas ang dividendazo records sa first three months ngayong taon, wala sa top 20 si former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Hernandez.

Kaya ang daming tanong ng mga karerista sa social media at ang iba ay nag-uumapaw sa galit kapag hindi agad sila nasasagot.

Hindi makakailang maraming fans si Hernandez dahil na rin sa mga ambag nito sa industriya ng karera tulad ng pagbibigay saya sa mga karerista sa tuwing magpapanalo ito. Ipinakikita niya ang kanyang husay sa pagdadala.

“May napanood ako, kumalas ‘yung tali sa pagkakabit, tapos habang tumatakbo ay inaabot nito ‘yung kawitan malapit sa nguso ng kabayo, kitang kita sa camera ‘yung ginawa niya, ang masaya pa ay naipanalo pa nito ang kanyang sakay. Ang galing ng world class jockey,” kuwento ni Rafael Bolivar na karerista na sa kasikatan ng Sky Walker.

Noong Sabado, naipanalo ni Hernandez ang kabayong Kapayapaan sa Condition Race ca­tegory 15.

“Masaya kami kasi paunti-unti ay nagpapanalo ulit si Ono (Hernandez), sana sa susunod na araw ay mas marami na ulit siyang sakyan at makita namin siyang unang tumatawid sa meta,” hayag ni Bobby Villegas isa ring karerista.

Sa simula ng taong 2019 ay bihirang sumakay si Hernandez, ang kuwentong nasasagap sa karerahan ay nagpahinga muna ng ilang buwan kaya wala siya sa top 20 listahan na may pinakamaraming naipanalo.

Pero ngayong balik karera na ulit si Hernandez ay umaasa ang kanyang mga panatiko na makikita na nila ito sa top jockeys sa susunod na maglalabas ng record ang dividendazo.

Suki sa mga stakes races si Hernandez at marami na rin siyang naipanalong kabayo mapa-liyamado o dehado.

Nagwagi na rin ng major stake race si Hernandez, dalawang beses nitong naipanalo sa Presidential Gold Cup ang Hagdang Bato noong 2012 at 2014.

Ginabayan din ni Hernandez ang Hagdang Bato nang ukitin nito ang history sa pagwalis ng tatlong legs sa Triple Crown series noong 2012.

Samantala, minsan na ring nanguna sa jockey top earnings si Hernandez, noong 2016 ay nakalikom ito ng P4, 325, 089.20 sa loob ng isang taon, sa 622 na sakay ay nakapagpanalo siya ng 173, 102 na second place, 101 na third at 82 na fourth.

Sa isang regular race, may hahamigin ang hinete hanggang pang-apat na puwesto.

HERNANDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with