^

PM Sports

Ancajas may 2-boxers na pinagpipilian

Chris Co - Pang-masa
Ancajas may 2-boxers na pinagpipilian
Jerwin Ancajas, Francisco Estrada at Andrew Moloney

MANILA, Philippines — Dalawang pangalan na ang lumulutang na susunod na makakalaban ni reigning International Boxing Fede-ration (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas.

Ito ay sina unbeaten Australian Andrew Moloney at World Boxing Council super flyweight titlist Juan Francisco Estrada ng Mexico.

Hawak ni Moloney ang impresibong 19-0 rekord tampok ang 12 knockouts.

Galing si Moloney sa eighth-round knockout win kay Miguel Gonzalez ng Chile sa kanilang World Boxing Association (WBA) world super flyweight title eliminator noong Marso sa San Francisco de Mos-tazal, Chile.

Sa kanyang 19 na laban, 10 dito ang Pilipinong tinalo ni Moloney kabilang sina Richard Claveras at Rene Dacquel na tinalo ng Australian via unanimous decision noong nakaraang taon.

Sa kabilang banda, sariwa pa si Estrada sa unanimous decision win laban kay Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand noong Abril 26 para mapanalunan ang WBC belt sa Inglewood, California.

Nagkaroon na ng komunikasyon sina Ancajas at Estrada kamakailan sa pamamagitan ng Facebook video call subalit hindi napag-usapan ang kanilang posibleng paghaharap.

Kung si trainer Joven Jimenez ang tatanungin, nais nitong makalaban ni Ancajas si Estrada.

Matagal nang pangarap ni Ancajas na magkaroon ng unification bout kaya’t magandang pagkakataon na aniya ito para maisakatuparan ang kanyang inaasam.

“Si Estrada talaga dahil gusto ni Jerwin na mag-unify,” ani Jimenez.

Pero wala naman sa isip ni Ancajas na mamili ng kalaban. Susundin nito anuman ang mapagkasunduan ng kanyang kampo.

Handa ang Pinoy champion na harapin sinuman ang itatapat sa kanya.

Kitang-kita ang bangis ni Ancajas nang iselyo nito ang seventh-round knockout win kay Japanese mandatory challenger Ryuichi Funai noong Linggo sa Stockton Arena sa Stockton, California.

Resulta ito ng magandang preparasyong inihanda ng Team Ancajas na sinabayan ng pagbabantay sa nutrisyon nito.

vuukle comment

ANDREW MOLONEY

FRANCISCO ESTRADA

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with