Nietes-Palicte fight kailangang idaan sa purse bidding
MANILA, Philippines — Dahil hindi nagkasundo ang mga promoters nina Filipino world super flyweight champion Donnie ‘Ahas’ Nietes at ‘Mighty’ Aston Palicte ay ang highest bidder na ang hahawak sa kanilang bakbakan.
Ipinag-utos ng World Boxing Organization (WBO) na idaan sa purse bid hearing ang pagtatakda ng laban nina Nietes at Palicte para madetermina kung kanino mapupunta ang promotional rights.
“With enough time to negotiate and (both sides) unable to come to terms, we now have to bring the matter to purse bid,” sabi ni WBO president Francisco ‘Paco’ Valcarcel sa panayam ng BoxingScene.com.
Nakatakda ang WBO session sa Pebrero 28 sa WBO headquarters sa San Juan, Puerto Rico.
Ang lahat ng promoters na nakarehistro sa WBO ay maaaring lumahok sa bidding na may minimum bid na $100,000 para mahawakan ang promosyon.
Ang final purse amount ay mahahati sa 75/25 pabor kay Nietes kung idedepensa niya ang suot na WBO super flyweight crown sa Pilipinas at 80/20 split naman sakaling idaos ang laban niya kay Palicte saan mang bahagi ng mundo.
Nauna nang nagha-rap sina Nietes (42-1-5, 23 KOs) at Palicte (25-2-1, 21 KOs) noong Set-yembre para sa bakanteng WBO super flyweight belt.
Ngunit ito ay nagtapos sa draw.
Tumanggap si Nietes, nasa bakuran ng ALA Promotions, ng $50,000 para sa naturang laban, habang nagbulsa si Palicte, lumalaban para sa Roy Jones Jr. Boxing Promotions, ng $25,000.
Noong Disyembre 31 ay tinalo ni Nietes si Japanese Kazuto Ioka via split decision para angkinin ang bakanteng WBO title sa Macau, China habang pinatulog ni Palicte si Jose Martinez ng Puerto Rico sa second round noong Enero sa California.
“We didn’t complain when the WBO let Nietes leapfrog him to fight Ioka. We also understand that Donnie is looking for a bigger opportunity. But we are looking for a title shot—a rematch with Nietes or for the vacant title against the next highest-rated contender,” sabi ni Keith Veltre, ang CEO ng Roy Jones Jr. Boxing Promotions.
- Latest