^

PM Sports

Archer Nicole Tagle may laban pa

Pang-masa

2018 Youth Olympic Games

BUENOS AIRES - Umabante si Filipina archer Nicole Tagle sa quarterfinal round katuwang si Hendrik Oun ng Estonia sa mixed international team event ng 2018 Youth Olympic Games dito.

Tinalo ng tambalan nina Tagle at Oun ang lower-ranked duo nina Isabela Bassi ng Chile at Ravien Dalpatadu ng Sri Lanka sa shoot off, 5-4 para itakda ang kanilang pakikipagtuos kina Alyssia Tromans-Ansell ng Great Britain at Reza Shabani ng Iran sa quarterfinals ng Olympic-round format.

“I have a good partner in Hendrik. To advance, we have to be consistent again in the next round,’’ wika ni Tagle, nagtala ng combined score na 19 points kasama si Oun laban sa 17 points nina Bassi at Dalpatadu sa shoot off.

Isinuko nina Tagle at Oun kina Bassi at Dalpatadu ang first set ng 16-arrow four-set bago angkinin ang sumunod na dalawang laban at ilista ang 2-1 abante sa harap nina chef de mission Jonne Go at Josephine Joy Reyes, ang pinuno ng Philippine Sports Commission medical and scientific athletes services department.

May ranggong No. 4 sa mixed event, binigo nina Tromans-Ansell at Shabani sina Wian Roux ng South Africa at Himani Himani ng India, 5-1 patungo sa quarterfinals.

Magpapakawala sina Tagle at Oun, ang No. 13 pair, ng 16 arrows sa four sets sa quarterfinals at umaasang magmimintis sina Tromans-Ansell at Shabani.

Hangad ng archer mula sa Dumaguete City na maduplika ang ginawa ni Gab Moreno, ang unang Filipino na nagwagi ng gold medal sa Youth Olympics sa pakikipagtambal kay Li Jiaman ng China noong 2014 edition.

Lalabanan ni Tagle, ang silver medalist sa women’s recurve individual competition noong 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, si Tromans-Ansell sa women’s individual round of 16 bukas (Manila time).

Samantala, lumagay naman si Fil-Norwegian kiteboarder Christian Tio sa fifth place habang humataw sina golfers Yuka Saso at Carl Janno Corpus ng pinagsamang 4-under 66 para makasama ang lima pang bansa sa 16th place sa pagsisimula ng mixed team competition sa Hurlingham Club.

YOUTH OLYMPIC GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with