^

PM Sports

Unang gold medal hatid ni Gawilan

Chris Co - Pang-masa
Unang gold medal hatid ni Gawilan
Ang Para swimmer na si Ernie Gawilan.

MANILA, Philippines — Nasungkit ni swimmer Ernie Gawilan ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 2018 Asian Para Games na ginaganap sa Gelora Bung Karno Aquatic Stadium sa Jakarta, Indonesia.

Nagrehistro ang Asean Para Games multi-medalist ng dalawang minuto at 52.43 segundo upang pagharian ang men’s 200m individual medley SM7.

Inilampaso ni Gawilan sina Chen Liang Da ng Chinese-Taipei (2:55.90) at Jadhav Suyash Narayan ng India (2:56.51) na nagkasya sa pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.

Nakahirit din si Gawilan ng pilak na medalya sa men’s 50m freestyle S7 event nang magsumite ito ng 31.93 segundo habang napasakamay ni Singaporean Wei Soong Toh ang ginto tangan ang 29.01 segundo.

Muling nagkasya sa tanso si Narayan matapos maglista ng 32.16.

Nagdagdag naman ng tansong medalya si Gary Bejino sa men’s 100m backstroke.

Naorasan si Bejino ng 1:28.54 sapat para puma-ngatlo laban kina gold medallist Yang Hong ng China (1:18.97) at silver medallist Aung Myint Myat ng Myanmar (1:24.84).

Nagparamdam din ang powerlifting team nang angkinin ni Achelle Guion ang pilak na medalya sa women’s 45kg event kung saan bumuhat ito ng kabuuang 67 kgs.

Nanguna si Chinese Lingling Guo na nagtala ng bagong rekord na 115 kgs. Para masiguro ang ginto.

Pumangatlo si Alina Solodukhina ng Kazakhstan na may 66 kgs.

Sa kabuuan, umani na ang Pilipinas ng isang ginto, dalawang pilak at isang tanso.

Inaasahang madaragdagan pa ang medalya ng Team Philippines sa oras na sumabak ang iba pang miyembro ng delegasyon partikular na sina Sydney Paralympics bronze medallist Adeline Dumapong-Ancheta sa powerlifting at Rio Paralympics bronze winner Josephine Medina sa table tennis.

vuukle comment

ERNIE GAWILAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with