^

PM Sports

Unang sasabak si NayRe

Pang-masa
Unang sasabak si NayRe
Ang Philippine delegation sa Youth Olympic Games.

BUENOS AIRES -- Si Jann Mari Nayre ang magbubukas ng kampanya ng Pilipinas sa 2018 Youth Olympic Games sa Table Tennis Arena of the Technopolis dito.

Haharapin ng 18-anyos na si Nayre si Nicolas Ignacio Burgos ng Chile sa Group B ng men’s singles preliminary stage kasunod ang pakikipagtuos kay Maciej Kolodziejczyk ng Austria matapos ang anim na oras.

Tatapusin ni Nayre, ang unang Filipino table tennis player na nakakuha ng tiket sa Youth Olympic Games na nagtatampok sa pinakamahuhusay na 18-under athletes sa buong mundo, ang elimination round sa pagsagupa kay Khanak Jha ng United States kinabukasan.

Umaasa si Nayre na makakapasok siya sa round of 16 bukas. Nakapagbulsa siya ng tiket patungo dito sa Argentinian capital matapos manalo sa Rarotonga qualifiers sa Cook Islands noong Hunyo bagama’t hindi nakakuha ng medalya sa katatapos na 18th Asian Games sa Indonesia at noong 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Pormal na binuksan ni Argentina pre-sident Mauricio Macri ang pagsisimula ng YOG sa opening ceremony sa Obelisco de Buenos Aires kung saan higit sa 4,000 atleta mula sa 206 bansa ang maglalaro sa 32 sports sa susunod na 13 araw.

Dumalo rin si International Olympic Committee president Thomas Bach sa welcoming rites.

“You gave your best and this is why you are here,’’ wika ni Bach, ang gold medalist noong 1976 Montreal Olympics, sa mga atleta. “Every athlete is different. We all come from different parts of the world but we are united through sports.”

Si golfer Yuka Saso, ang 2018 Asian Games double-gold medalist ng bansa, ang naging flag bearer sa parada sa ikatlong edisyon ng YOG.

Samantala, bubuksan ni Filipino-Norwegian Christian Tio ang kanyang medal bid sa kiteboarding, isang bagong sports discipline sa ilalim ng sailing sa Youth Olympics bukas habang sasabak sa aksyon si fencer Lawrence Everett Tan sa men’s foil event sa Miyerkules.

Papalo naman sina Saso at Carl Jano Corpus bukas sa Hurlingham Club sa women at men’s individual stroke play events, ayon sa pagkakasunod.

Lalangoy si Nicole Oliva sa heats ng women’s 100-meter freestyle, isa sa apat na events na lalahukan ng Sta. Clara, California-based swimmer.

Nagdesisyon ang 18-anyos na si Oliva na huwag sumali sa backstroke at butterfly races.

Sasabak naman si archer Nicole Tagle sa women’s recurve individual event at mixed international play, ang event kung saan kinuha ni Gab Moreno ang unang gold medal ng bansa sa pakikipagtambal kay Li Jiaman ng China noong 2014 edition sa Nanjing, China.

NAYRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with