Allianz tutulong sa Olympics
MANILA, Philippines — Inihayag ng International Olympic Committee na nakipagkasundo ang Allianz bilang global Olympics sponsor mula 2021 hanggang 2028, bilang bahagi ng “Worldwide Olympic Partner” (TOP) Programme.
Sa naturang deal, makikipagtulungan ang Allianz sa IOC para makapagbigay ng innovative at integrated insurance solutions para suportahan ang Olympic Movement, kabilang ang Organizing Committees ng Olympic Games
Isa pa sa layunin ay makapagbigay ng insurance solutions sa mga National Olympic Committees sa buong mundo gayundin ang kanilang Olympic teams at athletes.
Kasama sa ibibigay na suporta ng Allianz ay ang fleet at property at casualty insurance, at pati na rin insurance solutions para sa mga products at services na bunga ng technological changes. The partnership will run from 2021 until 2028.
Saklaw ng kasunduan ang Olympic Winter Games Beijing 2022, Olympic Games Paris 2024, Olympic Winter Games 2026 at Olympic Games LA 2028. Sa China, France at Spain, ang Allianz ay may marketing rights simula sa 2019.
Sinabi ni Allianz PNB Life Chief Marketing Officer Gae Martinez na binibigyang importansiya sa partnership na ito ang integrity, teamwork at inclusivity.
Ipinaliwanag naman ni Allianz PNB Life Director for Brand and Communications Rei Abrazaldo na ang pagsasanib ng Allianz at Olympics ang magpapakalat ng mensahe ng Allianz na hamunin ang lahat na sikaping maabot ang ‘best versions of themselves’ at para sa mga pamilya at komunidad na magtulung-tulong para sa magandang working environment.
“This new partnership demonstrates the global appeal and strength of the Olympic Movement, and we are delighted to be working together in the long term with Allianz to support sports around the world” ani IOC President Thomas Bach.
- Latest