^

PM Sports

Nationals ensayo agad ang ginawa

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Nationals ensayo agad ang ginawa
Ang pagdating ng Team Pilipinas sa bansa kahapon ng umaga.
ESPN5 Twitter

MANILA, Philippines — Walang sinabi ang pa­god at ang bagyong “Ompong” sa hangarin ng Team Pilipinas na makapaghanda para sa krusyal na laban kontra sa Qatar sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers bukas sa Smart Ara­neta Coliseum.

Kararating pa lang ka­hapon ng umaga sa ma­habang biya­he mula sa Iran ay ipinagpag ng koponan ni head coach Yeng Guiao ang kanilang mga pagod at sinuong din ang malakas na hangin at ulan upang makapag-ensayo agad.

Mula sa ti­nu­tuluyan sa Novotel Ho­tel sa tabi ng Big Dome ay sumalang agad sa ensa­yo kinagabihan ang koponan sa kalapit na Victoria Sports Center.

Bago ito ay nagdaos din sila ng dalawang oras na film viewing session upang aralin ang kanilang mga pagkakamali at pagkukulang sa masaklap na 73-81 kabiguan kontra sa host Iran kamakalawa ng gabi sa Tehran.

Ito ay upang makaha­bol ang koponan sa panahong nasayang bunsod nga ng 12-oras na delay ng kanilang biyahe.

Noong Biyernes ng ga­­bi pa sana nakara­ting sa bansa ang tropa ngu­nit na-stranded sa Du­bai In­ternational Airport bunsod ng bagyong “Ompong” dahilan ng pag­kaantala ng kanilang biyahe.

Nagpahinga ang ko­­po­nan kagabi bago su­malang sa huling pagsasanay ngayong gabi sa Meralco Gym.

Nakatakdang ring pa­ngalanan ni Guiao ang kanyang bagong 12-man line-up kontra sa Qatar.

Inaasahang papasok sa roster si Stanley Pringle upang palitan si Christian Standhardinger bilang naturalized player, habang isasali rin sina Japeth Aguilar at Matthew Wright na nagugol na ang kanilang suspensyon bunsod ng kinasangkutang rambol sa Australia sa pagtatapos ng first round noong Hulyo 2.

Walang katiyakan kung maglalaro si Greg Slaughter bunsod ng kanyang left ankle injury.

Tatangkain ng Team Pilipinas ang krusyal na panalo sa Qatar para ma­patatag ang puwesto sa Group F.

Nakatengga sa ikatlong puwesto ang tropa sa hawak na 4-3 kartada sa likod ng Australia (6-1) at Iran (6-1).

Nakabuntot ang Japan (3-4), Kazakhstan (3-4) at Qatar (2-5) na si­guradong susubok makasungkit ng panalo.

Kagagaling ng Qatar sa mapait na 43-95 kabiguan kontra sa Boomers.

Samantala, wala namang aasahang ‘homecourt advantage’ ang Pi­li­pinas kontra sa Qatar da­hil magiging closed-door ang naturang laban bilang isa sa parusa ng FI­BA.

 

NATIONALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with