Balanza humihiling ng tulong at dasal
MANILA, Philippines – Hindi pa rin makapaniwala si Jerrick Balanza na hindi na siya makapaglalaro para sa Letran Knights sa natitirang bahagi ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament.
Ito ay matapos ang brain tumor diagnosis sa kanyang temporal lobe kamakalawa na siyang ikinalungkot hindi lamang ng Letran kundi na rin ng buong NCAA community.
“It is with a heavy heart that I share with you this news: Recently, I have been diagnosed with a brain tumor and will have to undergo surgery as soon as possible,” ani Balanza. “This doubly saddens me because I will no longer be able to continue playing for the Knights, this NCAA Season 94.”
Kamakalawa ay ibinalita ni Letran athletic director at NCAA Management Committee member Fr. Vic Calvo ang naturang kalagayan ni Balanza matapos ang check-up sa neuro-surgeon at kinakailangan na aniya ng surgery sa lalong madaling panahon.
Sa katunayan, aabot sana sa P800,000 ang halaga ng magiging operasyon ni Balanza, ngunit napababa ito sa P500,000 dahil isang oustanding alumnus ng Letran ang mangangalaga kay Balanza sa katauhan ni Dr. Manuel Mariao.
Humihiling pa rin ng suporta ang Letran mula sa mga kasamahan sa NCAA para matulungan ang matagumpay na operasyon ni Balanza.
- Latest