Mavericks pursigidong makuha si DeAndre Jordan
DALLAS – Pursigido ang Mavericks na mahugot si All-Star center DeAndre Jordan mula sa Los Angeles Clippers.
Pinipilit ng Dallas at Los Angeles na maplan-tsa ang trade bago magsimula ang free agency market sa Hulyo 1.
May hanggang Biyernes (US time) si Jordan para magdesisyon kung gagamitin ang player option sa kanyang kontrata sa Clippers para sa susunod na season na nagkakahalaga ng $24.1 milyon.
Kung mananatili si Jordan sa Clippers ay makikipag-trade ang Mavericks bago magsimula ang free agency sa Linggo kung saan maaari nilang ialok si Wes Matthews at ang $18.7 million contract ng veteran swingman.
Sakaling magdesis-yon si Jordan na bitawan ang kontrata niya sa Los Angeles ay mapipilitan ang Dallas na kunin siya sa free agency.
Ang iba pang potensyal na frontcourt targets para sa Mavericks sa nasabing senaryo ay sina All-Star big man DeMarcus Cousins ng New Orleans Pelicans at restricted free agent Clint Capela ng Houston Rockets.
Noong 2015 ay nakipagkasundo na si Jordan sa Mavericks sa free agency, ngunit nagbago ng isip bago matapos ang moratorium period ended at nanatili sa L.A.
Nagtala ang 29-an-yos na tubong Texas ng mga averages na 12.0 points at career-high na 15.2 rebounds sa nakaraang season.
- Latest