^

PM Sports

Pasaol, Bernardino, Lyceum pararangalan

Chris Co - Pang-masa
Pasaol, Bernardino, Lyceum pararangalan
Alvin Pasaol at Afril Bernardino

MANILA, Philippines — Dalawa pang mahuhusay na manlalaro at isang team ang mapapasama sa listahan ng pararangalan sa 2018 Collegiate Basketball Awards na idaraos bukas sa The Bayleaf Hotel sa Intramuros, Manila.

Bibigyan ng special awards sina Alvin Pasaol ng University of the East at Afril Bernardino ng National University gayundin  ang Lyceum Pirates sa naturang event na inorganisa ng UAAP-NCAA Press Corps.

Igagawad ang Breakout Player award kay Pasaol nang magpasiklab ito sa nakalipas na UAAP Season 80 kung saan nakapagtala pa ito ng record-breaking 49 points sa isang laro lamang para sa Red Warriors.

Sa kabilang banda, pararangalan ng Award of Excellence ang dating Lady Bulldogs member na si Bernardino dahil sa kaniyang kontribusyon sa women’s college basketball.

Bahagi rin si Bernardino ng koponang nagkam-peon sa inaugural UAAP 3X3 tournament sa Season 80 para higit pang dagdagan ang ningning ng kanyang collegiate career.

Sa kanyang limang taon sa UAAP, tatlong beses nitong nakuha ang MVP award.

Sa kabilang banda, bibigyan ng Special Citation ang Lyceum Pirates na nagtala ng record-setting 18-0 run sa NCAA Season 93 eliminations.

Ginabayan din ni Pirates head coach Topex Ro-binson ang kaniyang tropa sa pagkopo ng Philippine Collegiate Champions League title na kauna-unahang korona ng Lyceum sa naturang torneo.

Makakasama nina Pasaol, Bernardino at ng Lyceum sina Isaac Go ng Ateneo de Manila University at Do-nald Tankoua ng San Beda University sa listahan ng mga awardees sa edisyong ito ng Collegiate Awards.

Ibibigay kina Go at Tankoua ang Pivotal Player awards.

vuukle comment

AFRIL BERNARDINO

ALVIN PASAOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with